About Me

your name:

url:

your message:

June 5th, 2004

Karansan sa Eskwelahan...

Posted by freaka at 11:30 AM on June 5, 2004.

Dito pa naman tong blog na to kaso di ko lang na-aupdate kc medyo nakafocus me sa English blog ko. Anyway, who cares? Wala naman pumupunta dito. At least medyo matuturing private blog ko to.

Ngayong term, sa tingin ko lang masyadong boring kasi halos lahat ng professors ko ay very professional. Hindi sila yong prof. na joker or nakikisabay sa mga estudyante. Trabaho lang talaga. At natatakot me kasi mahirap na ngayon. Sana talaga malagpasan ko. Kaya nga I'm trying to be proper na ngayon hindi katulad ng dati parang all I do is for fun. Gusto ko na nga lumipat ng school, hindi naman sa pangit yong school ko. Hindi lang talaga ako sanay sa tahimik na lugar, boring kasi at feeling ko on training me kasi very formal ung attire namin sa school. Advantage naman na maituturing yon para di na ako mangapa kung sasabak na me sa work but still there's something inside of me that is searching for a new environment. But I can't transfer kasi hindi naman talaga papayag parents ko, tapos maganda ung mga company kung saan me papasok bilang intern pag 4th year na me and the last reason is I can't leave bec. of this guy na patay na patay me kaso deadma lang me para sa kanya. Hindi rin naman ako lang ang nagkakaganito, ang dami namin kasi super gwapito talaga tong guy. Despite na ang daming nagkakagusto sa kanya, humble pa rin at laging low profile tong guy na to. Di lang sya pogi, rich at matalino pa. Although turn off lang yong pagiging smoker nya. Mysterious tong guy na to kasi tahimik lang sya hindi sya yong mahangin na tao. Pero mahilig sya sa party kaso lang hindi halata sa personality nya. Ang dami na ngang kabaliwan nagawa namin ng frend ko para lang mapansin sya. First time ko lang magpakalandi dahil sa kanya. Pero di naman yong tipong, iaaproach namin yong guy at hihingi ng cell no. nya. Di rin kaya ng guts namin yon. Malandi na samin yong pag dumadaan kami, pasimpleng tingin sa kanya at minsan di mapigil yong pagtawa. Siguro naapproach lang namin sya through friendster kasi ininvite namin sya. Good thing di sya picky ng friends. Hay, hanggang pangarap lang talaga tong guy na to. Parang langit at lupa yong situation. Pano rin naman me mapapansin eh di rin naman me kagandahan katulad ng iba. Balita ko nga may gf daw sya na model. Baka noon yon kasi wala naman me nakikita na kasama nyang girl ngayon except sa isang babae na close friend nya kaso minsan ko rin lang yon nakikita. Nalaman namin to kasi kakontsaba namin yong lady guard sa dorm kung saan sya tumutuloy. May crush nga rin yon sa kanya. Tong guy na to yong tipong di nakakasawa yong mukha kahit na lagi mong titingnan. Pang-artista nga eh! Sumali to sa star circle dati kasama ata sya sa batch nila Kristine Hermosa pero ang alam ko di sya sumikat kasi focus sya sa study nya. Yon ang sabi ng mga informers namin... hehehe..... Ano ba to pinagsusulat ko. Masyado yata ako naapektuhan kasi di ko sya nakita for two days. Kaya nga andito pa rin me sa school kahit Saturday dahil umaasa na sana bumaba na sya ng dorm at manigarilyo. Yon lang kasi yong time na masusulyapan namin sya.
Currently feeling: uncomfortable

May 27th, 2004

Neri vs. Sandara...

Posted by freaka at 12:26 AM on May 27, 2004.

Kakapanood ko lang ng Assignment, fineature nila don ung pagkatalo ni Neri sa Star Circle. Para sakin, she don't deserve to lose. Pretty naman sya at may talent sya. Unlike Sandara, she only has her face and talent kulang sya non. Ewan ko ba sa mga Pinoy, panlabas na kaanyuan ang tinitingnan kaya tuloy nanalo si Sandara. Pero in fairness, blessing in disguise rin to para kay Neri. Sabi nga sa interview, kung hindi sya natalo. Di sya pag-uusapan. After that event, ang dami na nyang guesting. Maybe she deserve more than that. I think mas pretty si Neri kaysa kay Sandara. If you'll just observe her face, hindi nakakasawa. Oo nga mukhang suplada pero much prefer ko yon kaysa kay Sandara who has innocent looks. Well anywayz, no offense sa mga Sandara fans. Opinyon ko lang to.
Currently feeling: disappointed

May 25th, 2004

Nakakawalang gana....

Posted by freaka at 08:58 PM on May 25, 2004.

Hay nakakatamad magblog ngayon kaso wala lang sayang eh andito na ako nakaonline, wala naman ako ginagawa sa net kaya ito. Napressure ba? *lol* Katatapos ko lang irenovate ung site ng section namin. Kung gusto nyo puntahan, COE 31 click nyo lang yan lang. Naglagay na ako ng skinning options para di masayang yong mga layouts ko. Kaso sa ngayon, isang skin pa lang kaya di pa ninyo mapapalitan. Anywayz, within this week dadagdagan ko yong skin ng site namin.

Yong binili kong Simple Plan dvd sa Tower Records di ko nagamit kc Region 1 pala un eh yong dvd player ko tumatanggap lang ng Region 3. Muntikan pang matapon yong receipt. Actually, nalagay na sa basurahan buti na lang di pa naitapon sa labas. Kaya pumunta kami agad sa SM Megamall para papalitan. Ang dami pang etseboretse bago pumayag na papalitan na lang ng iba. Ang dami pa nilang pakime. Kesyo, nagasgasan na daw. Eh nong isang gabi ko lang yon nabali sa kanila tapos bumalik din kami kinabukas. Isang beses ko nga lang na patugtog yong free ng audio cd sa dvd package na un. Tapos ang dami nilang reklamo. At sa wakas, pumayag rin yong salesclerk don. Pinalit ko na lang, yong hanson cd at Avril VCD yong "My World". Nanghihinayang talaga ako kasi favorite ko Simple Plan. Very disappointed talaga me. Wala akong magagawa, ayaw ng player ko. Bad trip talaga. At nagsisisi pa me kasi di ko gusto yong mga songs ng Hanson. Yong Penny & Me oks lang. Isa lang yong talaga nagustuhan ko don, yong "BElieve". Sana Hoobastank cd na lang binili ko. Pero no offense sa mga Hanson fans dyan. Maganda boses nila kaso di talaga me makarelate sa songs nila. Pinapakinggan ko kasi talaga yong lyrics, hindi fit sa situation ko yong mga songs. Pero nag-iisip me kung manonood sa concert nila dito this June 11-12. Kasi gusto ko yong mga dating songs nila. Hindi talaga me makaHanson fans, Moffats kasi ako nong elementary pa me. Sa mga Hanson fans, dyan baka iniirapan nyo na ako. Sinasabi ko lang naman at nasa isip ko pero di ko naman sila sinisiraan. Kaya peace tayo:D
Currently listening to: Believe- Hanson
Currently feeling: accomplished

« Newer | »